← Back to the wall

Hindi maipaliwanag na pakiramdam.

Kamakailan lang napapansin ko na parang ang bilis nang takbo ng oras. Tila ba gumigising ako na hinahabol kaagad 'yong oras. Na para bang kahit anong pagmamadali ko ay hindi ko masasabayan ang ritmo nito. Minsan hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko— lungkot? tuwa? takot? pangangamba? Ewan. May gusto akong gawin pero hindi ko alam kung paano simulan. May gusto akong baguhin pero hanggang salita lang. Ewan nalang talaga.
— Dawn